Ang pag-aaral sa panitikang Iluko ay hindi lamang isang pag-aaral sa kasaysayan nito kundi pati na rin ang pag-unlad ng kulturang Iluko. Ang panitikan ay tinitignan bilang isang dokumentong panlipunan dahil hindi ito isang uri ng sining lamang kundi ayon kay Richard G. Moulton ay isang kombinasyon ng sining at pilosopiya. Marami ang nakasulat tungkol sa mga Ilokano nguni't iilan lamang ang nakakaintindi sa kanila. Upang lubusan natin maunawaan ang panitikan ng mga Iluko, bigyan natin ng pansin ang iilang aspeto ng kanilang kultura.
Halos lahat ng panitikan ng mga Ilokano ay "nadumihan" na ng mga Kastila at nilagyan ng mga Kristiyanong isipan. …